“Love is on the air”
Kahit tapos na nga ang Pasko, itinuturing pa din ng aktor na si Polo Ravales na special gift ang matamis na “oo” ng kanyang soon to be wife.
Ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram account ang litrato ng engagement ring na suot ng kanyang girlfriend na si Paulyn Quiza, na isang fitness specialist.
Nagbiro pa si Polo kung sana sinabi nito na inakala niyang forever na daw siyang magiging binata.
Shinare naman ni Paulyn ang kanilang family photo kasama ang anak nila ng aktor sabay may caption na “love, happiness, peace and family are my key ingredients for a perfect holiday season. God gave me everything I need on Christmas day”
Facebook Comments