Manila, Philippines – Malaki ang ibinaba ng polusyon sa hangin na epekto ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay Jerry Capulong, Senior Environmental Management Specialist ng Air Quality Management Section ng EMB-DENR, maituturing na record breaking ang kanilang naitalang pagbaba ng polusyon ngayong taon.
Aniya, sa loob ng dalawang taon – ito na ang pinakamababang lebel ng polusyon na naitala ng kanilang mga monitoring station sa Metro Manila.
Kung ihahambing aniya, noong 2016-2017, pagsapit ng alas dose ng hatinggabi sumisipa na sa taas ang lebel ng polusyon na kanilang naitala kumpara ngayong 2017-2018.
Kabilang sa mga nakapagtala ng mababang lebel ng polusyon ay ang Parañaque City kung saan 83 percent ang ibinaba. Pasig City – 46 percent; Navotas City 84 percent at Taft, Manila 59 percent.