Mas mapanganib at nakamamatay ang polusyon na ibubuga ng ‘coal’ o karbon kumpara sa ‘ashfall’ na nagmumula sa mga pumuputok na bulkan.
Ayon kay Ian Rivera ng Philippine Movement for Climate Justice, ang ashfall sa Taal ay may sangkap lamang na 10 particulate matter at sulfur dioxide habang ang mga coal plants ay may PM 2.5, na may malilit na butil na mas mapanganib at nakamamatay dahil may iba pang nakalalasong sangkap na carcinogenic, mercury at arsenic.
Ani Rivera, para sa mga nakatira sa mga lugar sa bansa na may nakatayong 29 coal-fired power plants, araw-araw na lumulutang sa hangin ang mga particulate matter, toxic gas.
Kaugnay nito, pinuna ng environmental think-tank ang DENR dahil sa tila kawalan nito ng paninindigan na proteksiyunan ang kalikasan at patuloy na pagkiling nito sa pagtatayo ng mga ‘coal power plants’ sa bansa.
Ayon kay Gerry Arrances, Executive Director Center for Energy, Ecology, and Development, hindi umano tinutupad ni DENR Chief Roy Cimatu ang kaniyang ipinahayag na sa 2020, kaniyang patutunayan sa Filipino na pangangalagaan ng departamento ang kalikasan at likas na yaman ng bansa.