POLUSYON SA BORACAY | DENR, magsasagawa ng pagdinig

Boracay – Nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay ng maruming kondisyon ng Boracay.

Kasama sa mga iimbitahan ay mga stakeholders, mga tauhan ng mga lokal na pamahalaan at mga nangagasiwa sa mga water facilities ng isla.

Ayon kay Senadora Cynthia Villar, chairperson ng Senate Committee on Environment and Natural Resources – malaking dagok sa reputasyon ng Boracay ang isyu ng kalinisan.


Nabatid na gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayusin ng mga pribadong hotel ang kanilang sewage line nang hindi kumalat sa kalikasan ang dumi.

Facebook Comments