POLUSYON SA BORACAY | DILG Secretary Año, naniniwalang may pananagutan ang local government ng Malay, Aklan sa environmental crisis sa Boracay

Boracay – Naniniwala si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na may pananagutan ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan sa nangyayaring environmental crisis sa Boracay.

Ito ay matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang ‘cesspool’ o tapunan ng dumi ang isla.

Sabi pa ng kalihim, hindi mangyayari ang mga ito kung naghigpit lamang ang Local Government Unit sa pagpapatupad ang environmental ordinances.


Hindi rin aniya magkakaroon ng commercial establishments lagpas sa itinakdang distansya mula sa coastline kung hindi inisyuhan ng building at contruction permit ng LGU.

Umaasa si Año na magsilbing wake-up call sa lahat ng LGU at business establishment ang babala ng Pangulo.

Facebook Comments