Boracay – Sasampahan ng kasong administratibo at kriminal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga local government officials ng Malay, Aklan na nagpabaya sa maagap na pag-aksyon sa matinding problema ng polusyon sa Boracay island.
Partikular na sisilipin ng DILG Chief ang posibleng paglabag ng lokal na pamahalaan ng Malay sa pag-isyu ng building permits, occupancy permits at business permits sa kabila ng hindi sumusunod ang mga ito sa batas.
Ayon pa kay Año, nakikipagtulungan na sila sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at sa kanilang Western Visayas Regional Offices at sa concerned LGU, upang matugunan ang environmental problems sa Boracay.
Matatandaan naman na nagbanta ang Pangulo na tuluyang ipapasara ang buong tourism activity sa isla kung hindi maso-solusyunan ang mga problema sa Boracay sa loob ng anim na buwang deadline.