POLYANDRY | Babae sa Somalia, pinagbabato hanggang sa mapatay

Somalia – Patay ang isang babae matapos pagbabatuhin dahil sa pagpapakasal ng 11 beses sa Somalia.

Hinatulan ng kamatayan si Shukri Abdullahi Warsame dahil sa pagpapakasal sa 11 kalalakihan kahit hindi pa nito hinihiwalayan ang mga naunang asawa nito.

Nabatid na umamin ang siyam na asawa ni Warsame kabilang na ang legal na asawa nito.


Itinuturo sa Islam ang mahigpit na pagbabawal sa polyandry o ang pagpapakasal ng isang babae sa higit pang isang asawa.

Facebook Comments