Manila, Philippines – Pinababalik ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Senate Committee on Finance ang P16.8 bilyon sa nabawas na P28 bilyon sa budget ng Department of Health (DOH).
Sa kanyang interpelasyon ng 2019 proposed national budget iginiit ni Drilon kailangan ang pondo para sa konstraksyon at pagsu-supply ng mga kagamitan sa mga rural health center at mga district hospital.
Ayon kay Drilon, kapag ipinagkait ang dagdag na pondo para sa programa ng DOH ay mabibitin ang nasa 328 na health facilities na nasa 80 hanggang 90 porsyento pa lamang natatapos.
Aniya, sa halip na tapyasan dapat pa ngang buhusan ng pondo ang ahensya dahil isa ito sa mga pangunahing ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng tulong sa mga Filipino.
Facebook Comments