PONDO | ₱3.757 trillion 2019 proposed national budget, nakatakdang pagtibayin ng Kamara

Manila, Philippines – Nakatakdang aprubahan ng Kamara sa ikatlo’t huling pagbasa ang ₱3.757 trillion 2019 proposed national budget sa November 28.

Ayon kay Compostela Valley Rep. Maria Carmen Zamora, senior vice chairperson ng House Committee on Appropriations at pangunahing plenary sponsor ng panukala – nasa ‘final stages’ na sila sa pagpaplantsa ng mga probisyon ng spending bill.

Siniguro ni Zamora na maipapasa sa tamang oras ang national budget para mapirmahan na rin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang taon.


Una nang tiniyak ni House Majority Leader at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. na agad na ita-transmit sa senado ang panukala kapag natapos na ang puspusang pagdo-double check at pagbeberipika sa ilang probisyon nito.

Facebook Comments