PONDO | 2019 budget, malabo pang maaprubahan ngayong linggo

Manila, Philippines – Inamin ni House Committee on Appropriations Vice Chairman Maria Carmen Zamora na hindi pa muna maaaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang P3.757 Trillion 2019 National budget ngayong pagbubukas ng sesyon matapos ang Undas break.

Paliwanag ni Zamora, marami pang amendments ang inaayos ng itinatag na small committee para trumabaho sa mga amyendang ipinapasok sa pambansang pondo.

Nag-ugat ang delay sa pagapruba sa 2019 budget dahil sa realignment sa naisingit na kwestyunableng P52 Billion sa pambansang pondo.


Ang P52 Billion ay naikalat na sa iba’t-ibang programa ng mga ahensya tulad ng DPWH, DOH, CHED, DepEd at DA.

Target ng komite na matapos ang lahat ng amendments sa budget ngayong linggo.

Inaasahan naman na sa ikatlong Linggo ng Nobyembre ay maaaprubahan na sa huling pagbasa ang 2019 budget.

Natitiyak naman ni House Majority Leader Rolando Andaya na mapipirmahan ni Pangulong Duterte ang pambansang pondo sa susunod na taon bago matapos ang Disyembre.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments