PONDO | DENR, nais bigyan ng ₱100 budget ng ilang mambabatas

Manila, Philippines – Nais ng ilang kongresista na bigyan ng ₱100 budget ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa budget hearing ng Kamara, sinabi ni Nueva Ecija Representative Estelita Suansing na nabigo si Environment Secretary Roy Cimatu na tugunan ang problema sa Manila Bay at tinutukan lamang niya ang Boracay rehabilitation.

Kaya mula sa higit ₱24 billion pesos na budget request ng DENR, gusto ni Suansing na gawin lamang itong isandaang piso.


Para naman kay Buhay Partylist Representative Lito Atienza piso lamang dapat ang ibigay na pondo sa ahensya.

Facebook Comments