PONDO | Malacañang, ipinauubaya na sa Kongreso ang pag-review ng 2019 proposed nat’l budget

Ipinauubaya na ng Malacañang sa Kongreso ang pag-review, pag-amyenda at pag-deliberate sa 2019 national budget.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – ang publiko ay dapat lamang na mabigyan ng ‘equal’ opportunity para sa growth at access sa mga serbisyo anuman ang political affiliations ng kanilang mambabatas.

Kahit mayroong separation of powers at independence sa iba’t-ibang sangay ng gobyerno, hindi kukunsintehin ng executive branch ang anumang paglabag sa budget laws.


Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng pagpapadala ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. ng sulat kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipinapaliwanag ang kontrobersyal na budget allocations sa mga distrito sa panukalang budget.

Facebook Comments