Pondo na gagamitin para sa kampanya ng mga political parties, manggagaling sa pondo ng taumbayan

Manila, Philippines – Pasado na sa House Committee on Ways and Means ang panukala para sa tax provision na magpapalakas sa political party system sa bansa.

Sa ilalim ng panukala, ang budget na gagastusin sa kampanya ng mga partido political ay kukunin sa pondo ng taumbayan na layong magkaroon ng transparency sa paggasta sa pondo at makasunod naman ang mga maliliit na partido.

Bibigyan ng campaign subsidy ang lahat ng accredited na political parties na magmumula sa General Appropriations Act.


Bibigyan ng 30% mula sa kabuuang pondo ang mga accredited political parties sa Senado, 65% naman sa mga political parties sa Kamara habang 5% naman ang ibibigay sa Comelec para sa monitoring ng implementasyon ng panukala.

Kabilang naman sa mga maaaring pagkagastusan ng mga political parties sa pondo ng bayan ay operating expenses, traveling expenses ng mga kandidato at support personnel, information dissemination at advocacy campaigns, pagpapagawa at distribusyon ng electoral paraphernalia at iba pang propaganda materials at ilan pang pagkakagastusan sa ilalim ng Omnibus Election Code.

Pinapayagan pa rin naman na tumanggap ng donasyon ang mga political parties pero limitado lamang sa P1 Million mula sa isang indibidwal at P10 Million naman mula sa juridical person, grupo o kumpanya.

Facebook Comments