Tiniyak ni AFP Chief of Staff Gen Benjamin Madrigal na magiging maingat sila sa pag-gastos ng kanilang pondo.
Ito ay matapos na aprobahan na ng 17th congress ang kanilang pondo para ngayong taon.
Batay sa Department of Budget and Management, para sa 2019, 89 na bilyon piso ang alokasyon ng Philippine Army, 24.6 bilyong piso ang Philippine Air Force, at 27.8 bilyong Piso ang Philippine Navy.
Ayon kay Chief of staff Mayroong mga itinatag na “safeguards” kontra sa korapsyon para matiyak na mapaparusahan ang mga responsable sa pag-aaksaya ng pondo ng bayan.
Titiyakin rin aniya nila na magpapatuloy ang mga operasyon ng militar para panatilihing ligtas sa anumang banta ang komunidad.
Facebook Comments