Mabilis lang na nakalusot sa Senate Subcommittee on Finance ang 2024 budget ng Commission on Audit (COA).
Ito ay dahil walang senador ang nagtanong at bumusisi pa sa pondo ng COA para sa susunod na taon.
Nagprisinta lamang ang COA ng kanilang budget sa komite kung saan aabot ito sa P13.360 billion sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP).
Magkagayunman, mababa ito ng 6.03 percent sa original budget proposal ng COA na nasa P14.166 billion.
Pinakamalaki na binawasan ang capital outlay ng ahensya mula sa panukalang P841 million na pondo ay P126.8 million lang ang inaprubahan ng DBM.
Agad na inendorso ni Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara sa plenaryo ang 2024 budget ng COA at pinagsusumite na lamang ang ahensya ng listahan kung may nais pa silang ayusin sa kanilang pondo.