Isusulong ni Appropriations Committee Vice Chairman Joey Salceda ang dagdag na pondo sa Department of Agriculture (DA) sa 2022.
Ayon kay Salceda, posibleng 10% o higit pa na dagdag na pondo ang kaniyang hihilingin sa Kamara para sa agriculture sector.
Kumpyansa ang kongresista na makukumbinsi ang liderato ng Kamara sa kahalagahan ng agrikultura sa bansa.
Sa ilalim ng 2021 budget, nabigyan lang ng P85.6 billion na pondo ang DA.
Aniya, ang pondo sa agrikultura ay mas maliit pa dahil ito ay may 8% output, 22% employed force ngunit mas mababa pa sa 2% ang direct public expenditures na siyang balak i-adjust ng Kongreso sa pamamagitan ng dagdag na pondo.
Facebook Comments