Nakalusot na sa deliberasyon ng plenaryo ang P676 billion na pondo ng Department of Education (DepEd) para sa susunod na taon.
Halos anim na oras ding tinalakay sa sesyon ng plenaryo ang pondo ng DepEd at attached agencies nito.
Kabilang sa mga nabago sa panukalang pondo ng ahensya ang paglalaan ng higit P581 million na pondo para sa Special Education Program (SPED).
Matatandaang noong una, sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program (NEP) na inilaang pondo na nagmula sa Budget Department, walang alokasyong pondo para sa SPED program.
Bukod sa SPED budget, nag-realign din ang DepEd ng pondo mula sa flexible learning.
Sa kabuuang P19.96 billion na pondo sa flexible learning, nasa P15.7 billion ang nailipat sa ibang programa at attached agencies.