Aminado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na hanggang sa Hunyo na lamang ang available funds para sa hiring ng contact tracers.
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, humingi na sila sa Kongreso ng karagdagang pondo para palakasin ang contact tracing expenses.
Layunin din nitong matiyak na maipagpapatuloy ang serbisyo ng mga contact tracers sa Hulyo hanggang Disyembre ng taon.
Ang kasalukuyang pondo para sa contact tracers ay mula sa 2021 budget na ibinigay ng Kongreso kabilang ang unreleased portion mula sa Bayanihan Act.
Sinabi ni Malaya na ang pondong hinihingi ng DILG ay posibleng isama na sa Bayanihan 3.
Ang paglalabas ng contact tracing funds ay nakasalalay sa Kamara at sa economic managers.
Facebook Comments