Pondo ng DOH na hindi nagastos noong 2020, patuloy na ginagamit ngayon – Duque

Patuloy na ginagamit ng Department of Health (DOH) ang sinasabing P59-billion na unspent funds noong 2020.

Ito ang nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III kung saan ito aniya ang ginagastos para sa pagpapasweldo ng medical workers at pagbili ng mga gamot.

Ayon kay Duque, ₱24.6 billion ang tinatawag na unobligated funds habang ₱17.8 billion naman ang kasalukuyang ginagamit para sa taong 2021.


Matatandaang bago nito ay sinabi ng Commission on Audit (COA) sa kanilang 2020 annual audit report na nabigo ang Department of Health na gamitin ang ₱59.12 billion sa kanilang 2020 budget.

Facebook Comments