Inamin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nauubusan na sila ng pondo na pangtulong sa mga manggagawang apektado ng pandemya.
Ayon kay DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, sariling pondo na ng ahensya ang kanilang ginagamit dahil naubos na ang pinansyal na tulong na kanilang natanggap sa ilalim ng Bayanihan 2.
Aniya, P16 bilyon ang natanggap ng ahensya sa ilalim ng Bayanihan 2 para pang tulong sa mga formal at informal workers, maging sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho.
Paliwang pa ni Tutay, lagpas isang milyong informal workers na ang nakatanggap ng tulong habang 1.25 milyong maggagawa mula sa pormal na sector ang nabigyan na rin nila ng ayuda.
Habang ang kanilang programa ay nakatulong na rin sa halos 500,000 OFWs.