Ikinatuwa ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang paglapaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P4.12-billion budget sa direktang pagbili ng produkto sa mga magsasaka at mangingisda para sa feeding program nito.
Tiwala si Pangilinan na ang hakbang ng DSWD ay makakatugon sa problema sa pagkagutom at malaking tulong din sa mga magsasaka at mangingisda.
Diin ni Pangilinan, ang ating mga magsasaka at mangingisda ay mga frontliner din na kailangan ng sapat na kita para mapakain ang kanilang pamilya.
Sabi ni Pangilinan, dahil sa pandemya ay marami sa kanila ang humina ang kita kaya malaking tulong ang direktang pagbili ng DSWD dahil diretso sa bulsa nila ang kita.
Binanggit ni Pangilinan na kasabay nito ay mapapakain din ng masustansya ang mga bata at iba pang mga benepisyaryo ng feeding programs ng DSWD.