Tumaas sa mahigit 200 bilyong piso ang pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa 2024 National Expenditure Program (NEP).
Ito ay matapos na madagdagan ito ng P10.4-B mula sa 2023 General Appropriations Act.
Batay sa ulat ng Department of Budget and Management o DBM, mayroon lamang P199.5-B alokasyon sa DSWD nang nakaraang taon.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, mahalagang madagdagan ang pondong ito ng DSWD dahil sa layuning prosperity at sustainable economy.
Bukod rito, layunin din ng mga programa ng DSWD na mabawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng conditional cash transfer, community-driven development, at sustainable livelihood.
Facebook Comments