
Inalok ni Senator Christopher “Bong” Go ang Senate Committee on Finance na bawasan ang pondo ng kanyang opisina sa susunod na taon at ilipat ito sa Office of the Vice President.
Ayon kay Go, kung pahihintulutan ay pwedeng bawasan ang kanyang budget para ibigay sa OVP upang madagdagan ang pondo ng mga mga magagandang programa ng bise presidente.
Sinabi naman ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na maaaring gawin sa amendments sa plenaryo ang paglilipat ng pondo ni Go sa OVP.
Para naman kay Senator Jinggoy Estrada, tutal ay sinasabing may malalaki silang budget insertions ay ibigay na lamang ito sa bise presidente.
Samantala, pinababalik naman ni Senator Erwin Tulfo ang P39 million na tinapyas sa OVP budget upang mas marami pang maabutan ng tulong ang tanggapan.
Iginiit naman ni Senator Imee Marcos na kumpara sa mga “basura” na naglalaman ng bilyon-bilyong piso mula sa flood control projects ay marapat lamang na maibigay sa OVP ang kanilang pondo na hindi naman aabot pa sa P1 billion.









