PONDO NG LIPON NG SENIOR CITIZEN SA ILANG BARANGAY SA UMINGAN, NAKIKITAAN UMANO NG IREGULARIDAD

Sumangguni sa IFM Dagupan ang ilang mga residente mula sa isang barangay sa bayan ng Umingan ukol sa umano’y iregularidad sa pondo ng senior citizen sa kanilang lugar.

Binanggit ng mga ito, una ang kontribusyon ng bawat miyembro ng senior citizen sa tuwing may namamatay. Anila, kahit sampung taon na umanong nagcocontribute ang isang senior, kung hindi ito makapagbigay ng tatlong bayaran ay magbaback to zero raw ito. Samakatwid, mawawala umano ang kahit sampung taon pang nakapagbigay sa kontribusyon.

Ikinakasama rin daw ng kanilang loob ang wala umanong transparency sa pondo na inaasahang mailalathala sa mga pagpupulong.

Dagdag ng mga nagrereklamong residente ang umano’y palakasan system. Mayroong mga pagkakataon umanong mas napapaboran ang mga kamag-anak o kakilala ng mga nasa matataas na posisyon ng asosasyon.

Ayon sa kanila, ang dapat sanang tulong lalo na at mga matatanda na ang mga ito, malaking tulong para sa kanilang panggamot bagamat tila napupunta umano ito sa pansariling interes ng mga namumuno.

Tumangging magpakilala ang mga sumangguni bagamat umaasa ang mga ito sana ay maisaayos ang kalakaran sa pondo na laan para sa kapakanan ng mga senior citizens sa mga barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments