Pondo ng MAIFIP, hindi dadaan sa kamay ng politiko

Pinawi ni Palawan Rep. Jose Alvarez ang pangamba kaugnay sa pondong inilaan sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP).

Ayon kay Alvarez na miyembro ng House Contingent sa Bicameral Conference Committee, direktang mapupunta sa mga ospital ang pondo ng MAIFIP bilang bayad sa serbisyong medikal na ibinibigay sa mga pasyente.

Pagtiyak ni Alvarez, walang pondo ng MAIFIP ang dadaan sa kamay ng sinumang politiko dahil diretso itong ibabayad ng Department of Health (DOH) Regional Office sa mga ospital kapag naisumite na ang mga bill.

Sa version ng Kamara ng 2026 budget ay 49.2 billion pesos ang inilaan sa MAIFIP habang 28-billion naman sa ipinasang national budget ng Senado.

Sa BICAM ay nagkasundo ang kinatawan ng kamara at Senado na gawin itong 51.6 billion pesos.

Facebook Comments