Pondo ng NIA, dinoble ni PBBM para matugunan ang epekto ng El Niño sa bansa

 

 

Dinoble ng pamahalaan ang pondo ng National Irrigation Administration (NIA) para matugunan ang epekto ng El Niño sa mga sakahan.

 

Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, halos 100% ang idinagdag ng pangulo sa kanilang pondo.

 

Dahil dito, may pondo na aniya ang NIA para sa Solar Pump Irrigation, fertigation at drift irrigation na maipamamahagi sa parte ng Visayas.


 

May direktiba na rin aniya si Pangulong Marcos na ibigay sa ahensya ang high yielding crops na ipamamahagi sa magsasaka.

 

Samantala, hindi naman nabanggit ng opisyal kung magkano ang pondong inilaan para sa kanila ng Pangulo.

 

Gayunpaman, tiniyak ni Guillen na mas malaki na ang mai-tu-turnover nilang bagong irigasyon dahil sa dagdag-pondo.

 

Matatandaang itinuturing na prayoridad ni Pangulong Marcos ang food security sa kaniyang 8 point socio-economic agenda.

Facebook Comments