Pondo ng NTF-ELCAC, dinepensahan ni Pangulong Duterte

Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalaan ng malaking pondo para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa gitna ito ng mga kritisismo sa bilyon-bilyong pisong pondong inilaan sa Barangay Development Program.

Giit ng pangulo, kailangan ang nasabing programa para tugunan ang ugat ng communist insurgency.


Aniya, kinikilala ng gobyerno ang kahalagahan ng grassroot participation lalo na sa barangay level.

Kamakailan nang sabihin ng Commission on Audit (COA) na kwestiyunable ang paglilipat ng pondo sa task force mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) dahil sa kakulangan ng awtoridad at legal na basehan.

Samantala, hanggang noong Hulyo, nasa P16 bilyong pondo na ang naipamahagi sa 812 barangay na malinis na sa presensya ng New People’s Army (NPA).

Ginagamit ang pondo para sa pagtatayo ng farm-to-market roads, water at sanitation, healty satations at mga eskwelahan.

Aabot naman sa P28.1 billion ang ipinapanukalang pondo ng national government para sa Barangay Development Program sa 2022 kung saan 1,406 barangay ang makikinabang.

Facebook Comments