Pondo ng OWWA, huwag na sanang galawin ng pamahalaan ayon sa DOLE

Iginiit ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi na dapat galawin ng pamahalaan ang pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pagbibigay ng emergency assistance sa mga displaced at repatriated Filipino migrant workers sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa huling datos ng DOLE, nasa 80,000 OFWs ang stranded sa iba’t ibang bahagi ng bansa at naghihintay na ma-repatriate habang nasa 63,000 ang naiuwi sa bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nakakatulong ang OWWA sa pagpapa-angat ng ekonomiya ng bansa.


Aniya, nakakapagpadala ang OWWA ng higit 30 bilyong dolyar sa bansa.

Sinabi rin ni Bello na ang pondo ng OWWA ay dapat ginagamit lamang sa mga miyembro nito lalo na sa pagtatayo ng negosyo o pagbibigay ng tulong pang-edukasyon sa mga anak nito.

Nabatid na humingi na ang OWWA ng ₱5 billion supplemental budget sa Kongreso para mapahaba ang buhay ng kanilang pondo.

Una nang nagbabala ang OWWA na malulugi sila kapag patuloy nilang sasagutin ang pagkain, accommodation at transportation ng mga repatriated OFWs.

Facebook Comments