Pondo ng Pag-IBIG Fund, matatag sa kabila ng hamon sa ekonomiya

Tiniyak ng Pag-IBIG Fund na ligtas at maayos ang ipon ng mahigit 17 milyong miyembro ng ahensya sa gitna ng mga hamon sa ekonomiya.

Ayon kay Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta, nananatiling matatag at lumalago ang pondo ng Pag-IBIG, na ngayon ay may kabuuang ari-arian na P1.7 trilyon.

Ayon kay Acosta, patunay ito ng maayos na pamamahala at patuloy na tiwala ng mga miyembro.

Giit niya, hindi mauubusan ng pondo ang ahensya hangga’t patuloy na nagbabayad ng utang ang mga miyembro, dahil ang mga pautang ay mula mismo sa kanilang kontribusyon.

Dagdag pa ni Acosta, bawat pisong ipinagkakatiwala sa Pag-IBIG ay iniingatan at pinapalago upang manatiling kumikita ang mga ipon.

Patuloy din ang ahensya sa pagbibigay ng abot-kayang panahay at short-term loans para sa mga miyembro

Facebook Comments