Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naubos na ang quick response fund ng gobyerno dahil sa dami ng dumaang bagyo sa bansa.
Kaya naman inatasan ng pangulo ang Department of Budget and Management (DBM) na tugunan ang mga pangangailangan ng bawat ahensiya.
Dapat aniyang may magagamit ang gobyerno pagdating sa disaster response o mahuhugot sa mga susunod pang bagyo.
Nagtabi na rin aniya sila ng pondo para malagyan ang QRF, para sa mga mangangailangang lokal na pamahalaan.
Pinadali na rin ang proseso para mas mabilis na ma-access ng mga LGU ang pondo ng NDRRMC.
Ayon sa PAGASA, pagkatapos ng Bagyong Marce ay maaari pang pumasok ang ilang bagyo bago matapos ang taon at sunod na sa listahan ng mga bagyo ay ang “Nika” hanggang “Zosimo.”
Facebook Comments