Tiniyak ni House Committee on Energy Chairman Lord Allan Velasco na hindi mauubos ang pondo ng gobyerno sa oras na maisabatas ang panukalang inaprubahan sa bicameral conference committee na ‘Murang Kuryente Bill’.
Sa ilalim ng ‘Murang Kuryente Bill’, isa-subsidize ng gobyerno ang pagkakautang ng National Power Corporation na kasalukuyan namang ipinapasa sa electric bill ng mga consumers sa ilalim ng universal charge.
Gagamitin na pambayad sa utang ng NPC ang share ng pamahalaan sa Malampaya Fund na P208 Billion kung kaya’t hindi apektado ang ibang pondo ng gobyerno.
Sa oras na maipatupad ito, aabot sa P172 ang matitipid ng mga tahanang kumukunsumo ng 200 KWH na kuryente kada buwan.
Aabot naman sa 16 Million households ang mabebenipisyuhan at makakatipid sa kuryente.