Pondo ng Social Security System, tiniyak na hindi maaapektuhan sa kabila ng mga kontrobersiya

Manila, Philippines – Sinigurado si Social Security System (SSS) Chairman Amado Valdez na hindi maaapektuhan ang pondo ng ahensya.

Ito ay sa gitna na rin ng anomalya sa trading ng stocks na kinasangkutan ng apat na matataas na opisyal ng ahensya.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon kina Rizaldy Capulong; George Ongkeko Jr., Reginald Candelaria at Ernesto Francisco.


Sabi ni Valdez, wala namang nagalaw na pondo ng SSS members dahil personal na pera ang gamit sa ilang transaksyon ng mga ito.

Nabatid na si SSS Commissioner Jose Gabriel La Viña ang unang nag-imbestiga sa mga ito… na tumagal ng tatlong buwan.
Dagdag pa ni La Viña, nagsumite na siya ng affidavit tungkol sa natuklasan niya na maituturing na serious dishonesty at grave misconduct.

Kasama rin sa iimbestigahan kung may conflict of interest sa ginawa ng mga opisyal.

Ayon naman kay Valdez, nag-resign na sina Candelaria at Ongkeko.

Tinanggap na ang resignation ni Candelaria pero nakahold ang mga benepisyo nito habang hindi pa tapos ang imbestigasyon samantalang hindi pa tinatanggap ang resignation ni Ongkeko.

Floating status naman o wala munang assignments sina Capulong at Francisco.

Facebook Comments