Para masolusyunan ang problema sa pabahay sa bansa, iginiit ni Quezon City Representative Alfred Vargas na mangangailangan ng P10 trilyon para malutas ang housing backlog.
Sa pagdepensa ni Vargas sa 2019 budget ng National Housing Authority (NHA), sinabi nito na kailangang buhusan na ng malaking pondo ang ahensya para matapos na ang problema sa pabahay.
Aniya, aabot sa P3.6 million ang housing backlog o kakulangan sa housing units sa buong Pilipinas.
Pero, sa kabila ng problema sa kakulangan sa housing units, binawasan pa ng 88.94% ang pondo ng NHA.
Iminungkahi naman ni Vargas na kung ganito ang sitwasyon ay dapat na pumasok ang NHA sa partnership sa pribadong sektor.
Facebook Comments