Manila, Philippines – Maglalaan sa susunod na taon ang pamahalaan ng P2.2 Billion para sa pautang sa mga PUV operators at drivers.
Ito ay alinsunod na rin sa PUV Modernization Program ng Duterte Administration.
Ayon kay Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel, myembro ng House Committee on Appropriations, ang P2.2 billion ay para sa low-cost financing sa pagbili ng mga configured buses, vans at jeepneys sa ilalim ng programa.
Ang naturang pondo ay nakapaloob sa ‘unprogrammed appropriations’ sa ilalim ng P3.757 trillion 2019 national budget.
Sa oras na maaprubahan ang pondo, ito ay ilalagay sa dalawang state-owned lenders, ang Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines kung saan tig P1.1 billion ang ilalagay sa bawat bangko.
Samantala, maglalaan din ang pamahalaan sa ilalim ng PUV modernization sa susunod na taon ng P447 million upang matiyak ang tuluy-tuloy na suporta sa modernisasyon.
Ang pondong ito ay bukod pa sa P843 million na alokasyon ng programa ngayong 2018.