Magpapalabas na ng P20 milyon pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa cash for work project sa mga pamilyang sinalanta ng bagyong Ompong sa Ilocos Norte.
Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, ito ay bahagi ng recovery at rehabilitation efforts na ginagawa ng pamahalaan para sa mga biktima ni Ompong na layong mabigyan sila ng pansamantalang pagkakakitaan.
Ipapatupad ang proyekto sa ilalim ng climate change adaptation and mitigation program ng DSWD.
Lahat ng benepisyaryo ng cash for work ay magtatrabaho sa loob ng 10 araw na community works tulad ng rehabilitasyon ng mga nasirang mangroves sa watershed areas at iba pa.
Samantala, tumutulong na rin ang social welfare agency sa mga Local Government Units (LGUs) sa pagpapatupad ng rapid damage assessment and needs analysis sa mga apektadong lokalidad upang madetermina ang eksaktong bilang ng mga bahay at pamilya na nangangailangan ng emergency shelter assistance.