₱31-billion ang inilaang pondo ng administrasyon para sa susunod na taon na pantugon sa mga kalamidad para mapag-ibayo ang pagtulong sa mga biktima at pagsasagawa ng rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta.
Ayon kay House Committee on Appropriations Vice Chairperson at Makati City Representative Luis Campos Jr., mas mataas ito ng 51% mula sa budget ngayon taon na ₱20.5 billion.
Ayon kay Campos, ₱14.7 billion sa nabanggit na halaga ay para sa capital outlays o pampagawa ng mga nasirang istraktura tulad ng mga kalye, tulay at school buildings.
Ang ₱7.7 billion naman aniya ay para sa Quick Respond Fund (QRF) ng walong frontline departments habang ang ₱1 billion ay para sa People’s Survival Fund (PSF).
Kaugnay nito ay hinikayat ni Campos ang mga barangay at non-governmental organization na mag-avail ng PSF money para makapaglagay sila ng rainwater harvesting systems sa kanilang mga komunidad.