Pondo para ayudahan ang mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa ECQ, pinadadagdagan!

Nanawagan ang grupo ng mga manggagawa kay Pangulong Rodrigo Duterte na dagdagan ang pondo para sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng Labor Department.

Ito ay para matiyak na maaayudahan ang lahat ng mga manggagawang pansamantalang nawalan ng trabaho dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Associated Labor Union-Trades Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) Spokesperson Alan Tanjusay, mula sa 2-milyong displaced/disadvantage workers sa bansa, 345,000 pa lang ang nabibigyan ng cash aid ng Department of Labor and Employment (DOL)E hanggang kahapon.


Dapat din aniyang bilisan ng pamahalaan ang pamamahagi ng tulong lalo’t nasa ika-anim na linggo na ng quarantine ang Luzon.

Facebook Comments