Pondo para sa 2022 BSK Elections, dapat manatili sa COMELEC kahit ito ay maipagpaliban

Iginiit ni House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera ang kahalagahan na manatili sa Commission on Elections o COMELEC ang pondo para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSK Elections) kahit hindi ito matuloy sa December ngayong taon.

Sinabi ito ni Herrera makaraang lumusot na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang ipagpaliban sa December 4, 2023 ang halalan sa Barangay at SK ngayong taon.

Layunin ng panukala na magamit ang pondo nito sa pagpapalakas ng pagtugon sa COVID-19 pandemic at pagtulong sa mga mahihirap o higit na nangangailangan.


Diin ni Herrera, kailangang manatiling available ang nasabing pondo na nagkakahalaga ng mahigit P8.4 billion para sa pagdaraos ng BSK Elections kahit maatras ang petsa nito.

Sinabi ito ni Herrera makaraang tiyakin ng COMELEC na walang pondo para sa BSK Elections ang masasayang kahit muling maurong petsa ng pagdaraos nito.

Binanggit din ni Herrera na kung matutuloy ang postponement muli BSK Elections ay maaring hindi na sumapat ang pondong nakalaan dito ngayong 2022.

Facebook Comments