P115.6 billion ang pinapalaan na pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa ilalim ng panukalang 2023 national budget na mas mataas kumpara sa pondo nito ngayong taon na P107.6-B.
Ang pagtaas ng pondo ng 4Ps sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ay sa kabila ng paglilinis sa listahan mga benepisaryo nito.
Sa pagsusumite ng proposed P5.268 trillion 2023 national budget dito sa Kamara ay ipinaliwanag naman ni Budget Undersecretary Rosemarie canda, na hindi maaaring basta babaan ang pondo ng 4Ps dahil mayroong sinusunod na compliance rate.
Sa katunayan, ayon kay Canda, ngayong taon ay pumalo sa 97% ang compliance rate para sa programa kaya tumaas din ang inilaan na pondo.
Sa latag ng proposed 2023 national budget, pinakamalaking bahagi o 39.31% ay ilalaan sa Social Services Sector, pangalawa ang Economic Services Sector na sinundan ng General Public Services Sector.
Ang Department of Education pa rin ang ahensya na may pinakamaking pondo, pangalawa ang Department of Public Works and Highways at ikatlo ang Department of Health at Philippine Health Insurance Corporation.