Pondo para sa Bahay Pag-asa, nakapaloob sa 2019 budget

Manila, Philippines – May 1-bilyong pisong pondo na nakapaloob sa 2019 budget para sa konstruksyon ng bahay pag-asa sa buong bansa.

Ito ang impormasyon mula sa Legislative Budget Research and Monitoring Office o LBRMO.

‪Ang nabanggit na salapi ay nakapaloob sa budget ng Department of Social Welfare And Development o DSWD.


Sa Bahay Pag-asa ipapasok ang mga menor de edad na nakagagawa ng paglabag sa batas o yaong tinatawag na children in conflict with the law.

Magugunitang lumabas sa pagdinig na isinagawa ng Senado na mayroon lamang 58 na Bahay Pag-asa ngayon sa buong bansa na kulang pa ng 56 para magkaroon nito ang 81 lalawigan at 33 highly urbanized cities.

Facebook Comments