Tiniyak ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ipapaloob nila sa 2021 National Budget ang pondo pambili ng bakuna laban sa COVID-19.
Sabi ni Zubiri, ito ay para sa pagpasok ng Enero 2021 ay makabili na ang gobyerno ng vaccine kontra COVID-19.
Tinukoy ni Zubiri na may mga report na may dalawang kompanya ang posibleng makapaglabas na ng vaccine bago matapos ang kasalukuyang taon.
Ayon kay Zubiri, bubuhusan din nila ng pondo ang pagtugon ng Department of Health (DOH) sa COVID-19 pandemic kabilang ang pagbili ng mga kailangang kagamitan tulad ng respirators, Personal Protective Equipment, testing kits, mga gamot at ang budget sa pagsasagawa ng contact tracing.
Bukod dito ay binigyang diin ni Zubiri na kanila ring sisikapin na ang maipapasang 2021 national budget ay makakatulong sa pagpapasa sa ating ekonomiya na lubhang naapektuhan ng pandemya.