Kinakailangang isama sa 2022 national budget ang gastos sa pag-aaral kung pwede na ang mga menor de edad na maturukan ng COVID-19 vaccine.
Ito ang inihayag ni Senator Sonny Angara kung saan umaasa siyang pag-aaralan ng Food and Drug Administration (FDA) ang posibilidad nito para matalakay na sa nalalapit na budget deliberation.
Ayon kay Angara, ito ay upang matiyak na ligtas ang mga estudyante sakaling magbalik na ang face-to-face classes.
Giit pa ng senador, maaaring kunin sa matitira sa budget ng Bayanihan 2 ang pondo para sa bakuna ng mga menor de edad lalo na’t hindi sila kasama sa pambansang budget ngayong taon.
Facebook Comments