Hindi na isinama ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kanilang 2022 budget ang pondo para sa rehabilitasyon ng Manila Bay para sa ‘dolomite beach’ project.
Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones, ilalaan na lamang ang P1.6 bilyong panukalang pondo sa rehabilitation program ng mga ilog na konektado sa Manila Bay.
Habang gagamitin din ito sa paglilinis ng mga creek at estero.
Una nang nakatanggap ng kritisismo ang gobyerno sa pagpapagawa ng dolomite artificial beach na nagkakahalaga ng P389-million sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Facebook Comments