Pondo para sa eleksyon at salary increase ng Govt. workers, may pagkukunan kahit hindi maipasa ang 2019 budget

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senate Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda na may pondo para sa nakatakdang eleksyon sa mayo at sa dagdag sa sweldo ng mga empleyado ng gobyerno ngayong taon.

Ayon kay Legarda, ito ay kahit na hindi maipasa ang panukalang 2019 budget na nakabinbin pa rin sa bicamal conference committee.

Sabi ni Legarda, base sa napag-usapan nila ng Dept. of Budget and management, ang gagastusin sa eleksyon ay magmumula sa 10-bilyong pisong hindi nagalaw na pondo ng commission on elections at sa Contingency fund nito.


Inihayag ni Legarda na ang pondo naman para sa ikaapat na salary increase para sa Govt. workers ay magmumula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund o MPBF.

Facebook Comments