Pondo para sa flood control sa Pampanga, tinangkang isingit sa proposed 2026 National Budget

Daan-daang milyong pisong flood control funds para sa Ikalawang Distrito ng Pampanga ang tinangka umanong isingit sa panukalang 2026 national budget.

Isiniwalat ito ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang Facebook page.

Ayon kay Arroyo, ginawa ang insertions sa panahon ng pagtalakay sa komite ng mga amyenda para sa 2026 General Appropriations Bill.

Tiniyak ni Arroyo na hindi sila ang nagsulong ng naturang alokasyon.

Nagpapasalamat naman si Arroyo sa House Committee on Appropriations dahil inalis ito sa committee report.

Facebook Comments