Pondo para sa fuel subsidy, mailalabas na ngayong linggo – DBM

Ilalabas na ngayong linggo ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para sa fuel subsidy para sa transport sector.

Ito ay sa harap ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay DBM Undersecretary Rolando Toledo, tinatapos na lang ang guidelines nito.


Aniya, pinalawak pa ang sakop ng subsidiya at isinama na rin maging ang mga transport network vehicle service (TNVS) at delivery rider.

Sinabi naman ni Toledo na hindi nila maaaring idiretso sa mga gasolinahan ang pondo dahil mapapabagal nito ang proseso.

Nabatid na ₱6,500 ang ayudang matatanggap ng bawat isa mula sa 377,000 benepisyaryo.

Facebook Comments