Manila, Philippines – Sa botong 16-0-0, ipinasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Senate Joint Resolution No. 13 na naglalayong i-extend ang pondo o kompensasyon para sa mga human rights victim noong panahon ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa ilalim ng joint resolution na ito, titiyakin na ilalabas ang bilyong pisong pondo na nasa Land Bank of the Philippines, na nakalaan para sa mga naging biktima noong ng pang-aabuso.
Binibigyan rin ng resolusyong ito ang Commission on Human Rights (CHR) ng otorisasyon upang ipamahagi ang pondo sa mga biktima o representante ng mga ito, hanggang December 2019.
Base sa datos ng Human Rights Victims Claims Board, as of May 11, 2018, nasa 75 libong claimant na ang nag-apply sa programa, kung saan sa bilang na ito, nasa 11, 103 pa lamang ang claimant na naaprubahan at kinilala ng board.