Pondo para sa legal, medical at financial assistance sa mga OFW, dinagdagan sa ilalim ng 2025 budget

Tiniyak ni Senate Committee on Finance Chairperson Grace Poe na dinagdagan sa bersyon ng Senado sa 2025 National Budget Bill ang pondo para sa pagbibigay ng legal, medical at financial assistance sa mga OFW sa ilalim ng AKSYON fund ng Department of Migrant Workers (DMW).

Ang pahayag ni Poe ay kaugnay na rin sa pagpapauwi sa Pilipinas kay Mary Jane Veloso na unang naharap sa parusang kamatayan sa Indonesia.

Kasama sa dinagdagan ng pondo ang National Reintegration Center at OFW helpdesks na hiwalay pa sa pondo ng DSWD para sa mga umuuwing undocumented OFW para makakuha ng counseling at livelihood training.


Samantala, pinuri din ni Poe ang mutual effort ng gobyerno ng Pilipinas at Indonesia para maging posible ang pagpapauwi sa bansa kay Veloso.

Marapat lang aniyang pahalagahan at protektahan ang kapakanan ng ating mga OFW at tiyakin ang kanilang mga karapatan kahit pa nasa labas ng bansa.

Facebook Comments