Manila, Philippines – Inilabas na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 600,000 pesos na budget para sa Rice Subsidy ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kabuuang 2.5 billion pesos ang budget ng pamahalaan na inilaan para sa 3.5 milyong mahihirap na pamilya sa bansa na nakikinabang sa 4Ps.
Sinabi ni Abella na ang 600,000 libo ay ang pondo para sa buwan ng Marso at mayroon pang susunod dito.
Umabot na rin naman aniya sa 8.2 million pesos ang halaga ng mga libreng gamot ang naipamigay na ng DSWD na mula naman sa 1 bilyong pisong pondo na inilaan ni Pangulong Duterte sa DSWD na nanggaling sa PAGCOR.
Samantala, ikinatuwa naman ng Malacañang na maraming Pinoy na ngayon ang nagasasabing sila ay masaya batay narin sa survey ng Social Weather Station kung saan lumalabas na 91% ng mga Pilipino ang nagsasabi na masaya sila sa kanilang buhay.
Ayon kay Abella, sa loob ng dalawang dekada ay ito na ang pinakamataas na bilang ng mga Pilipino na angsabi na sila ay masaya.