Pondo para sa libreng sakay ng pamahalaan, hinihintay na lamang na mailabas – LTFRB

Inaasahang masisimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamimigay ng Service Contracting Program sa Abril para sa Public Utility Vehicle (PUV) drivers at operator.

Ayon kay LTFRB Regional Director Zona Russet Tamayo, hinihintay na lamang nila na mailabas ang pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM) para rito.

Pero hanggat wala pa aniya ang pondo ay nakikipag-ugnayan na sila sa mga operators at drivers sa iba’t ibang lugar sa bansa.


Ang Service Contracting Program ay isang inisyatiba ng Department of Transportation (DOTr) na nagbibigay sa mga driver at operator ng PUV ng mga performance-based na insentibo bawat linggo, anuman ang bilang ng mga pasahero.

Sakop din ng Service Contracting Program ang Libreng Sakay Program.

Facebook Comments